Pormal nang pinayagan ng Comelec en banc ang mga botante sa sampung Enlisted Men’s Barrios (EMBO) Barangays sa Taguig na bumoto para sa district representatives sa Kamara.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na batay sa inilabas na resolusyon ng en banc, ang mga residente sa 10 barangay sa Taguig City na mula sa Maakati ay maaari nang bumoto, hindi lamang para sa City Council kundi para sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan sa una at ikalawang distrito.
Aniya, pinagtibay nila sa Comelec en banc ang concurrent resolution na hindi lamang makakapaghain kundi makakaboto na ang mga residente sa sampung embo barangays.
Noong nakaraang linggo ay in-adopt ng poll body ang resolusyon ng Senado kung saan itinalaga ang sampung EMBO barangays sa first at second districts at itinaas sa 12 mula sa 8 ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod. —ulat mula kay Felix Laban, —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera