dzme1530.ph

COMELEC, pinagdaraos ng plebisito para sa 6 bagong brgy. sa Caloocan

Magdaraos ng plebisito ang Commission on Elections (COMELEC) para sa paghahati sa anim na barangay sa Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11993, nakasaad na kailangang isagawa ng COMELEC ang plebisito 90 araw mula sa pagiging epektibo ng batas.

Samantala, inoobliga rin ang alkalde ng Caloocan City na mag-appoint ng interim barangay officials kabilang ang Barangay Chairman at pitong Sangguniang Barangay Members, at Sangguniang Kabataan Chairman at Pitong SK members sa bawat bagong barangay.

Ang mga itatalagang barangay official ay manunungkulan hanggang sa may opisyal na mahalal sa kanilang mga posisyon.

Habang ang mga nakaupong barangay official naman ay mananatili sa pwesto hanggang sa may ma-appoint na mga tatayong opisyal sa mga bagong barangay.

About The Author