Mariing pinabulaanan ni Atty. Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Commission on Elections (COMELEC), na may bahid ng Pulitika ang nangyaring sunod-sunod na ambush sa BARMM partikular sa Cotabato at Basilan, kung saan ang mga biktima dito ay mga Barangay Official.
Ayon sa COMELEC Spokesperson, bagamat wala pang kumpirmasyon ang Philippine National Police na ang mga naturang insidente ay related sa pulitika lalo na at papalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, ito anya ay masusi na ri nilang tinitingnan.
Dagdag pa na patuloy rin silang nakikipag-coordinate, at nakikinig sa mga law enforcement agencies, kasama ang PNP, Armed Forces of the Philippines, at National Bureau of Investigation.
Sa huli sinabi ni Laudiangco na makakaasa ang publiko na patuloy ang ginagawang paghahanda ng komisyon, para siguruhin ang kaayusan, katiwasayan at katahimikan ng bayan sa buong panahon ng halalan. —sa ulat ni Felix Laban