dzme1530.ph

COMELEC, nanawagan sa publiko na huwag suportahan ang kandidato na hindi marunong sumunod sa patakaran

Muling hinihikayat ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia ang publiko na huwag suportahan at iboto ang mga kandidato na hindi susunod sa mga inilatag nilang patakaran sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).

Sa isinagawang kick-off ceremony sa pagsisimula ng election period sa Kartilya ng Katipunan, sinabi ni Garcia na ang mga ganitong uri ng kandidato ay hindi nararapat na magkaroon ng pwesto sa gobyerno.

Sinabi pa ni Garcia, hindi nila palalampasin ang mga lalabag sa premature campaigning lalo na kung ang isang kandidato ay nakapaghain na ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC).

Kabilang dito ang mga nakapaskil na mga tarpaulin at mga naka-post sa social media.

Nakatakda ding magsagawa ang COMELEC ng Operation Baklas laban sa premature campaigning.

Kakasuhan aniya ng COMELEC ang mga nangangampanya na labas sa campaign period.

Batay sa calendar activity ng COMELEC simula October 19 hanggang 28, pa ang panahon ng kampanyahan.

Pinanindigan din ng COMELEC ang ginawang paghihigpit sa mga kandidato ng BSKE at pag iral ng Omnibus Election Code. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author