dzme1530.ph

Comelec, nalagpasan na ang target na 1M voter registrants para sa BSKE

Loading

Nalagpasan na ng Commission on Elections ang target nitong isang milyong bagong registrants para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, sa loob lamang ng limang araw mula nang simulan ang 10-day registration period noong August 1, pumalo na sa higit 1 milyon ang mga nagparehistro.

Batay sa pinakahuling datos, nasa 1,001,970 applications na ang natanggap ng Comelec.

Pinakamaraming nagpatala sa Calabarzon, sinundan ng Central Luzon at National Capital Region.

Sinabi naman ng Comelec na naging masaya ito sa turnout, lalo na’t hindi inaasahang maaabot agad ang target sa unang kalahati pa lang ng registration period.

About The Author