Nakipagsanib-pwersa ang Comelec sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para mabantayan ang gastos at pagbabayad ng buwis ng celebrities at social media influencers na ginamit para sa election endorsements.
Ipinaliwanag ni Comelec Chairman George Garcia na kailangan nilang makipag-coordinate sa BIR para sa monitoring ng Statements of Contribution and Expenses (SOCE) ng mga kandidato at political parties, lalo na ang mga bayad sa celebrities at influencers na nag-endorso sa kanila sa Halalan 2025.
Idinagdag ni Garcia na sa pamamagitan ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng Comelec at BIR, mas magiging epektibo ang monitoring ng SOCEs at posibleng tax evasion.
Sa ilalim ng Omnibus Election Code, obligado ang mga kandidato na isama ang mga indibidwal o kumpanya na kinontrata nila para sa pangangampanya sa ilalim ng kani-kanilang SOCE.