dzme1530.ph

COMELEC, nakagawa ng grave abuse sa pagdiskwalipika sa Smartmatic, ayon sa Korte Suprema

Nakagawa ng grave abuse of discretion ang COMELEC nang i-disqualify nito ang Smartmatic bago pa man makapagsumite ng anumang bid ang naturang service provider.

Gayunman, sa press briefing, sinabi ni Supreme Court Spokesperson, Atty. Camille Ting, na hindi ito sapat na dahilan para ipawalang bisa ang kontrata para sa vote-counting machines na gagamitin sa 2025 Elections, na nakuha ng South Korean firm na Miru Systems.

Inihayag din ni Ting na kinatigan ng Korte Suprema ang petisyon ng Smartmatic laban sa disqualification, at maari nang lumahok ang kumpanya sa mga susunod na eleksyon.

November 2023 nang i-diskwalipika ng COMELEC ang Smartmatic mula sa lahat ng procurements ng poll body, bunsod ng mga alegasyon ng bribery o panunuhol kay dating COMELEC Chairman Andres Bautista, kapalit ng pag-award ng kontrata para sa election machines sa Smartmatic Corp.

About The Author