Naglabas ang Comelec Second Division ng certificate of finality and entry of judgement sa disqualification petition laban kay Eric Yap, para bigyang daan ang kanyang proklamasyon bilang duly-elected Representative ng Lone District ng Benguet.
Ito’y matapos hindi makatanggap ang poll body sa loob ng kanilang limang araw na deadline, ng motion for reconsideration sa naunang ruling na nagbasura sa October 2024 petition na inihain ng petitioner na si Franklin Tino.
Hiniling sa dismissed petition na i-disqualify si Yap sa nagdaang May 2025 midterm elections bunsod ng material misrepresentation dahil kuwesyunable umano ang kanyang citizenship.
Wala ring inilabas na temporary restraining order mula sa Supreme Court sa five-day reglementary period.
Noong nakaraang linggo ay binawi ng poll body division ang suspensyon sa proklamasyon ni Yap, kasunod ng dismissal sa disqualification petition laban sa kanyang kandidatura.