dzme1530.ph

COMELEC, muling pinaalala ang one-year appointment ban sa mga natalong kandidato noong nagdaang eleksyon

Loading

Muling ipinaalala ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Erwin Garcia na hindi maaaring maitalaga sa anumang posisyon sa pamahalaan ang mga natalong kandidato noong 2025 midterm elections sa loob ng isang taon mula sa araw ng halalan.

Aniya, ito ay alinsunod sa umiiral na one-year appointment ban sa ilalim ng Saligang Batas at ng COMELEC Election Code.

Ginawa ni Garcia ang pahayag matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang natalong opisyal na umano’y nagpasalamat sa muling pagkakatalaga sa isang posisyon.

Pagdidiin ng COMELEC, kung mapatunayang totoo ito, maaaring maharap sa kasong sibil, kriminal, at administratibo ang nasabing opisyal.

Tinanggal na rin sa social media ang mga nasabing larawan.

About The Author