dzme1530.ph

COMELEC, MAGSASAGAWA NG SPECIAL REGISTER ANYWHERE/ANYTIME PROGRAM SA RIZAL MEMORIAL COLISEUM

Loading

Magsasagawa ang Commission on Elections o COMELEC ng Special Register Anywhere o Anytime Program sa Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila ngayong Marso 10 hanggang 11 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

 

Bukas ito sa publiko para sa bagong voter registration, transfer ng voter records, reactivation, correction ng entries at updating ng voter information bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE 2026.

 

Paalala ng COMELEC sa mga nais magparehistro na magdala ng isang valid government-issued ID, dahil hindi tatanggapin ang cedula, barangay ID o certificate, company ID at police clearance.

 

Samantala, ayon sa COMELEC, umabot na sa mahigit 55,000 aplikasyon ang naproseso sa ilalim ng parehong programa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM mula Pebrero 9 hanggang Marso 9 ng taong ito.

 

Kahapon naman, nagsagawa rin ang COMELEC ng Special Register Anywhere o Anytime Program para sa kababaihan sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Women’s Day.

About The Author