dzme1530.ph

COMELEC, ipatatawag si Sen. Escudero kaugnay ng ₱30-M campaign donation mula sa contractor

Loading

Ipatatawag ng Commission on Elections (COMELEC) si Senator Francis “Chiz” Escudero upang magpaliwanag sa umano’y ₱30 milyon campaign donations na tinanggap nito mula sa isang contractor noong 2022 elections.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, maglalabas sila ng show cause order (SCO) laban kay Escudero matapos makipagpulong sa poll body ang abogado ni Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Inc.

Dagdag pa ni Garcia, susulatan nila ang senador sa susunod na linggo upang humingi ng paliwanag hinggil sa nasabing donasyon.

Matatandaang nauna nang naglabas ng SCO ang COMELEC laban kay Lubiano para ipaliwanag ang multi-milyong campaign contributions kay Escudero, at kung bakit hindi ito dapat kasuhan ng election offense dahil sa paglabag sa Section 95 ng Omnibus Election Code, na nagbabawal sa mga contractors ng gobyerno na magbigay ng campaign donations.

About The Author