Maglalabas ang Comelec ng resolusyon upang ipagpalagay na bayad bilang contractors ang mga celebrity at influencers na nag-e-endorso ng mga kandidato para sa Halalan 2025.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na nangangahulugan ito na hindi maaring ikatwiran na libre ang serbisyo ng mga artista at influencers, dahil mayroon nang presumption of payment.
Alinsunod sa Omnibus Election Code, obligado ang mga kandidato na isama ang mga personalidad o kumpanya na kanilang kinontrata para sa kampanya, sa ilalim ng kani-kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Nilinaw naman ni Garcia na ang kanilang habol ay mga kandidato na nagsasabing libre ang serbisyo ng mga celebrity at influencers.