Inatasan ng Comelec ang kanilang law department na isumite ang mga rekomendasyon sa kaso ni dismissed Bamban, Tarlac mayor Alice Guo sa susunod na linggo.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na wala silang natanggap na counter-affidavit mula sa kampo ni Guo, hanggang noong Sept. 5.
Sa kabila ito ng pinalawig pa poll body ang pagsusumite ng kampo ng dating alkalde ng counter-affidavit bunsod ng masamang panahon.
Ipinaliwanag ni Garcia na dahil walang nai-file na counter-affidavit ay submitted for resolution na ang kaso na ang ibig sabihin ay terminated na ang preliminary investigation at gagawa na ng rekomendasyon ang law department na isusumite sa Comelec en banc.
August 13 nang isilbi ng mga kinatawan ng Comelec ang subpoena kay Guo kaugnay ng material misrepresentation na isinampa laban sa kanya. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera