dzme1530.ph

COMELEC, ibinasura ang petisyon na I-disqualify si Apollo Quiboloy bilang Senatorial Candidate

Ibinasura ng commission on elections (COMELEC) ang petisyon na naglalayong I-disqualify si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Apollo Quiboloy sa pagtakbo sa 2025 elections.

Sa desisyon, sinabi ng COMELEC first division na hindi naging sapat ang ebidensiyang inihain ng petitioner upang makumbinsi ang mga ito na ideklarang nuisance candidate ang respondent na si Quiboloy.

Ang petition to disqualify ay mula kay Labor Leader Sonny Matula na humihimok sa poll body na idiskwalipika si Quiboloy bilang Senatorial Candidate dahil sa material misrepresentation, gayung wala umanong basehan ang nominasyon nito sa Workers Peasant Party o WPP dahil hindi ito opisyal o miyembro ng grupo.

Gayunpaman, inihayag ng comelec na kinailangan nitong I-dismiss ang petisyon dahil sa kabiguan ni matula na sumunod sa alituntunin ng komisyon.

Una nang sinabi ng comelec na hindi maaaring maging material misrepresentation ang pagsumite ng hindi otorisadong Certificate of Nomination and Acceptance o CONA.

—sa panulat ni Joana Luna

About The Author