dzme1530.ph

Comelec, hinimok ang publiko na tingnan at suriin ang SOCE ng mga kandidato noong nakaraang eleksyon

Loading

Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na tingnan at suriin ang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) na isinumite ng national candidates sa katatapos lamang na 2025 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chair George Erwin Garcia, maa-access na sa opisyal na website ng Comelec ang SOCE ng bawat kandidato, nanalo man sila o hindi.

Aniya, mahalaga ang partisipasyon ng publiko upang matiyak ang katotohanan sa iniulat na gastusin at kontribusyon ng mga kandidato.

Si Senator Camille Villar ang naitalang top campaign spender sa nagdaang eleksyon matapos itong gumastos ng ₱176.6 milyon para sa kanyang kampanya.

About The Author