dzme1530.ph

Comelec, hinimok ang mga artist na idemanda ang mga nagnakaw ng kanilang kanta para gawing campaign jingle

Loading

Hinikayat ng Comelec ang mga artist na maghain ng pormal na reklamo kung ginamit ang kanilang kanta nang walang permiso sa campaign jingles para sa 2025 midterm elections.

Reaksyon ito ni Comelec Chairman George Garcia sa sentimiyento ng bandang Lola Amour makaraang gamitin nang walang pahintulot ang kanilang musika sa kampanya.

Binigyang diin ni Garcia na ang formal complaint ng banda ang magiging basehan ng kanilang aksyon.

Ang walang pahintulot na paggamit ng mga kanta sa kampanya ay nakasaad sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Comelec at Intellectual Property Office of the Philippines na nilagdaan noong Enero.

About The Author