dzme1530.ph

Comelec, bukas sa pagkakaroon muli ng mga debate para sa Halalan 2025

Bukas ang Comelec para sa muling pagsasagawa ng election debates bago ang halalan 2025 sa Mayo.

Gayunman, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, ang mga ganitong aktibidad ay dapat i-organisa ng media companies.

Alinsunod aniya sa Republic Act 9006 o Fair Elections Act, ang mga debate ay dapat pangasiwaan ng media entities, at ang Comelec ay magsu-supervise at makikipag-coordinate lamang sa mga kandidato.

Naniniwala si Garcia na ang pagkakaroon ng electoral debates ay pakikinabangan ng mga botante upang mas makilala pa ang kanilang mga napupusuang kandidato.

Idinagdag ng Poll chief na ang diskusyon ay base sa plataporma, posisyon sa mga isyu, at prinsipyo ng mga kandidato. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author