dzme1530.ph

Comelec, binalaan sa implementasyon ng internet voting nang wala pang umiiral na batas

Atubili si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pagsuporta sa pagpapatupad ng internet voting para sa mga Overseas Filipino Workers.

Ito ay dahil wala pa anyang enabling law na maaaring gamitin ng Commission on Elections sa pagpapatupad ng internet voting.

Iginiit ni Pimentel na sa ngayon ay mas mabuting manatili sa kasalukuyang proseso kung saan pinapayagang makaboto ang mga Pinoy abroad sa mga embahada ng bansa kung saan sila naroroon.

Ginawa ng senador ang pahayag makaraang kumpirmahin ng Comelec na nagsasagawa na sila ng public bidding para sa overseas voting through internet project.

Nilinaw naman ni Comelec Chairman George Garcia na wala pang inaanunsyong nanalong bidder at naghahanda pa lamang sila kung sakaling payagan na ng Kongreso ang internet voting.

About The Author