dzme1530.ph

COMELEC, automated sa Barangay at SK Election malabong mangyari

Sinagot ng Commission on Election (COMELEC) na malabo umanong mangyari na magkaroon ng Full Automation sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections matapos itong imungkahi ng isang mambabatas sa mababang kapulungan.

Sa resolusyon ni Cavite Representative Elpidio Barzaga Jr. nais nito na pag-aralan ang posibilidad na isagawa ng fully automation ang halalan sa Barangay at SK Election ngayong Oktubre 30.

Kaagad naman itong sinagot ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia,

Ayon kay Chairman Garcia, nasa kalagitnaan na sila ng pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa Manual Election at inaasahang matatapos ito ngayong Pebrero.

Bagamat inalis ang posibilidad ng Full Automation, sinabi ni Garcia na pinag-aaralan ng COMELEC ang pagsasagawa ng pilot testing sa Automated Barangay at SK Election sa ilang lugar.

Matatandaan, ang huling halalan sa Barangay at Sanguniang Kabataan ay ginanap noong Mayo 2018.

About The Author