dzme1530.ph

COMELEC, all set na sa isasagawang plebisito sa BARMM sa Sabado

All set na ang COMELEC para sa isasagawang plebisito para sa paglikha ng walong munisipalidad sa special geographic area ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa North Cotabato.

Sinabi ni COMELEC Spokesman, Atty. John Rex Laudiangco na ang plebisito sa April 13, araw ng Sabado, ang magbibigay ng pagkakataon para sa mga residente ng 63 barangay na bumuo ng kanilang mga sariling bayan.

Kabuang 89,594 ang mga rehistradong botante sa special geographic area ang inaasahang boboto sa 67 presinto.

Bibigyang daan nito ang paglikha ng mga munisipalidad ng Pahamuddin, Kadayangan, Nabalawag, Tugunan, Ligawasan, Malidegao, Old Kabakan, at Kapalawan.

About The Author