Irerekomenda ng Commission on Elections (Comelec) na alisin sa kanilang kontrol ang Buluan, Maguindanao del Sur at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte para sa 2025 Bangsamoro Parliamentary Elections.
Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang pahayag kasabay ng pagsisimula ng implementasyon ng gun ban para sa kauna-unahang parliamentary elections, ngayong Huwebes, Agosto 14 hanggang Oktubre 28.
Sinabi ni Garcia na wala muna silang ilalagay sa Comelec control.
Ayon sa kanilang commissioner-in-charge na si Aimee Ferolino, irerekomenda nilang alisin sa kanilang kontrol ang dalawang bayan sa pagsisimula ng campaign period.
Una nang isinailalim ng poll body ang Buluan at Datu Odin Sinsuat sa kanilang kontrol dahil sa tumataas na insidente ng election-related violence bago ang nagdaang halalan noong Mayo.