dzme1530.ph

Codename na “Superman” ni dating Pangulong Duterte, kinumpirma ng kanyang dating security aide

Kinumpirma ng dating close-in security aide ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ginamit ng former Davao City Mayor ang call sign na “Superman” sa kanilang komunikasyon noon sa radyo.

Sa kanyang pagharap sa House Quad Committee, itinanggi ni Ret. Policeman Sonny Buenaventura ang isiniwalat ni Ret. Police Col. Royina Garma, na siya ang in-charge sa pagbabayad kaugnay ng pagpaslang sa mga hinihinalang kriminal noong alkalde pa lamang ng Davao City si Duterte.

Itinanggi rin ni Buenaventura na mayroon siyang alam tungkol sa pamumuno ni Duterte sa Davao Death Squad na umano’y pumapatay ng mga kriminal sa lungsod.

Una nang inihayag sa Quad Comm ni dating Sen. Leila De Lima na siyang nanguna sa imbestigasyon sa DDS noong Chairperson pa siya ng Commission on Human Rights, na “Superman” ang tawag ng DDS members kay Duterte.

Sa affidavit naman na isinumite ng umaming DDS hitman na si Arturo Lascañas sa International Criminal Court, na “Superman” din ang codename ni Duterte sa DDS. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author