dzme1530.ph

Code White Alert, itinaas ng DOH ngayong Semana Santa

Loading

Itinaas ng Department of Health (DOH) ang Code White Alert para sa buong Holy Week bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa anumang health-related incidents na posibleng mangyari sa pagbiyahe ng mga Pinoy sa mga lalawigan, simbahan, at tourist destinations.

Ayon sa DOH, epektibo ang code white alert simula kahapon, Palm Sunday hanggang sa April 20, Easter Sunday.

Karaniwan nang nagde-deklara ang DOH ng code white alert kapag mayroong national events, holidays, o mga selebrasyon na maaaring magdulot ng mass casualty incidents o emergencies, upang matiyak ang kahandaan ng health facilities at personnel.

Sa ilalim ng naturang alert status, lahat ng medical personnel, lalo na ang emergency rooms at critical care units, ay nakahanda para sa posibleng pagdami ng mga pasyente bunsod ng mga aksidente, injuries, at iba pang health-related incidents na maaaring mangyari.

 

 

About The Author