dzme1530.ph

COCOPEA, miyembro na ng NTF-ELCAC; pagpapaigting ng education campaign sa mga paaralan kontra CPP-NPA, inaasahan

Miyembro na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict ang Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA).

Sa ika-anim na NTF-ELCAC Executive Committee Meeting sa Malacañang, inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagsasama sa COCOPEA bilang isa sa dalawang private representatives na magiging official member ng NTF-ELCAC.

Sinabi naman ni NTF-ELCAC Executive Director Ernesto Torres Jr. sa press briefing sa Malacañang, na nasa 1,500 Catholic private schools sa bansa ang nasa ilalim ng COCOPEA.

Kaugnay dito, inaasahan umano ang mas maigting na information awareness at education campaign laban sa terror grooming ng mga organisasyon tulad ng CPP-NPA-NDF, na isang designated terrorist organization.

Ito umano ay upang maliwanagan ang mga mag-aaral sa posibleng sasalihan nilang terrorist groups, upang malayo sila sa panganib.

Samantala, nanindigan naman si Office of the Solicitor General Associate Atty. James Clifford Santos na ang red-tagging ay inimbento lamang ng CPP NPA NDF upang pagmukhaing masama ang ginagawang pagbubunyag ng gobyerno sa kanilang tunay na kulay. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author