dzme1530.ph

Coach ng Philadelphia 76ers, sinibak matapos malaglag ang koponan sa NBA Playoffs

Sinibak ng Philadelphia 76ers ang head coach na si Doc Rivers makaraang malaglag ang koponan sa NBA Playoffs sa kamay ng Boston Celtics.

Sinabi ni 76er’s President of Basketball Operations Daryl Morey na ang desisyon ay matapos nilang rebyuhin ang season.

Inilabas ng franchise ang hatol kasunod ng pagkatalo ng 76er’s sa Celtics sa score na 112-88 sa game seven ng Eastern Conference Semi-Finals noong Lunes.

Ito na ang ikatlong sunod na season na na-eliminate ang Philadelphia para sa conference finals.

2020 nang pumasok si Rivers sa 76er’s matapos manggaling sa Los Angeles Clippers, Celtics, at Orlando Magic. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author