dzme1530.ph

Climate change, dapat isaalang-alang sa mungkahing pagbabalik ng dating school calendar

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dapat isaalang-alang ang epekto ng climange change sa mungkahing pagbabalik ng dating school calendar.

Ayon sa Pangulo, kasama ang Department of Education ay pinag-aaralan na ang pagtukoy sa pinaka-angkop na academic schedule.

Ipinaliwanag naman ng Pangulo na iniurong noon ang school calendar dahil sa COVID-19 pandemic, ngunit ngayon ay kailangan na ring pag-usapan ang climate change.

Sinabi ni Marcos na napaka-init ng panahon ngayon at pati ang mga bata ay hinihimatay na.

Kaugnay dito, tiniyak ng Pangulo na tututukan ang kapakanan ng mga mag-aaral, guro, at non-teaching personnel sa pagdedesisyon kaugnay ng itatakdang school calendar. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author