dzme1530.ph

CLEARING AT REPAIRS SA MAHARLIKA HIGHWAY, MINAMADALI NG DPWH PARA SA SEMANA SANTA

Loading

Inaasahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos ang clearing at repairs sa Maharlika Highway, bago ang dagsa ng mga byahero dahil sa Holy Week.

 

Pinamamadali ng DPWH ang pag-aalis ng mga sagabal, temporary patching, at pagpatag sa mga nakaumbok na bahagi ng National Highway para matapos ito sa katapusan ng Marso.

 

Target ng ahensya na simulan ang long-term rehabilitation ng Maharlika Highway na nangangailangan ng 16 billion pesos na pondo, sa Hunyo o Hulyo ngayong taon.

 

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na magkakaroon ng malawakang bidding sa Regions 4a, 5, 8, at 14, dahil batay sa kanilang impormasyon, dito matatagpuan ang malalang kondisyon ng kalsada.

 

Ang Maharlika Highway na kilala rin sa tawag na Pan-Philippine Highway, ay may habang 3,000 kilometers.

 

Nagsisimula ito sa Laoag City sa Northern Luzon patungong Eastern Visayas hanggang sa Zamboanga City sa Mindanao.

About The Author