![]()
Umaabot sa 144,000 ang kakulangan ng bansa sa mga classroom.
Ito ang kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng pahayag na hindi na kakayanin pa ng sambayanan na maghintay ng ilang dekada upang ito ay masolusyunan.
Dahil anya sa kakapusan ng silid-aralan, nagsisiksikan ang mga estudyante at napipilitang magpatupad ng dalawa hanggang tatlong shifts sa mga public schools.
Kaya naman umapela ang Pangulo sa mga lider ng mga lokal na pamahalaan na pabilisin ang pagtatayo ng mga classroom sa kanilang nasasakupan.
