![]()
Kumbinsido si Sen. Erwin Tulfo na hindi magtatagumpay ang isinusulong na pagbuo ng transition council o civilian-military junta upang palitan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Tulfo, hindi magkakaroon ng traction ang naturang hakbang dahil wala itong suporta mula sa mga civil society groups at maging sa simbahan.
Bukod dito, ani Tulfo, masusi ring nagbabantay ang militar at sa ngayon ay nakikita nila ang mga hakbang ng administrasyon upang linisin ang katiwalian sa bansa.
Ipinaalala rin ni Senador Panfilo “Ping” Lacson na labag sa Konstitusyon ang ganitong mga hakbangin.
Binigyang-diin pa ni Tulfo na mas makabubuting maghintay na lamang ang lahat hanggang sa eleksyon sa 2028, dahil ilang taon na lamang ang nalalabi sa kasalukuyang administrasyon.
