dzme1530.ph

Civil society groups, nais gawing opisyal na budget observers

Loading

Pormal na inihain ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang House Resolution No. 94 na layong i-institutionalize ang partisipasyon ng civil society groups bilang “official non-voting observer” sa budget hearings.

Layon ng hakbang na ito ni Romualdez na itaguyod ang transparency at good governance sa pagbalangkas ng pambansang pondo.

Sa simula pa lamang ng budget process sa Kamara, may partisipasyon na ang civil society groups at nagbabantay na ang mamamayan.

Kung ma-adopt ang resolusyon bago umarangkada ang 2026 budget cycle, i-a-accredit ng Kamara ang bona fide people’s organizations para sila’y makibahagi sa lahat ng public hearings ng Committee on Appropriations at mga sub-committees nito.

Sa proposed guidelines, tutukuyin ng komite, sa tulong ng People’s Participation Panel, ang eligibility, accreditation at saklaw ng pakikibahagi ng civil society groups alinsunod sa House rules.

Binigyang-diin ni Romualdez at ng TINGOG Party-list na magagamit ang critical expertise ng people’s organizations mula sa sektor ng edukasyon, public health, social welfare, environment, agriculture at local governance upang maging mas responsive at grounded ang pondo ng bayan.

About The Author