![]()
Sasampahan ng verified complaint for impeachment ng dalawang abogado si COMELEC Chairman George Erwin Garcia at anim na commissioners sa Kamara.
Inakusahan nina Atty. Eldrige Marvin Aceron at Atty. Sikini Labastilla ang mga respondent ng culpable violation of Republic Act No. 8436 (Automated Election System Law), betrayal of public trust, at iba pang mabibigat na krimen.
Nag-ugat ito sa mga dokumentadong maling gawain sa loob ng poll body sa dalawang magkasunod na halalan.
Tinukoy ng dalawang abogado ang paggamit ng software version 3.5.0 sa lahat ng 110,000 automated counting machines na ginamit noong May 12, 2025, na hindi isinailalim sa mandatory source code review.
Gayon din ang pag-install at pagpapatakbo ng hindi awtorisadong intermediary server na tinawag na “Data Center 3.”
Inakusahan din si Garcia ng pagtatago sa paggamit ng iisang private IP address noong May 9, 2022, para sa 20,300 vote-counting machine modems.
Pinaratangan din ang COMELEC officials ng betrayal of public trust dahil sa umano’y sistematiko at piling pagpapatupad ng finance laws na pabor sa mga senador na kaalyado ng administrasyong nagtalaga sa kanila, gaya nina Senador Chiz Escudero at Rodante Marcoleta.| via Lea Soriano-Rivera
