Babantayan ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang paggamit ng artificial intelligence (AI) at deep fakes kaugnay ng 2025 national and local elections.
Nagbabala si CICC Dir. Alexander Ramos na posibleng malinlang ang publiko sa mga content, na hindi aniya batid ng lahat kung totoo o hindi.
Tiniyak naman ni Ramos na sa ngayon ay mayroon silang sapat na teknolohiya para suriin kung ang isang content ay peke.
Idinagdag ng CICC na nakikipag-ugnayan sila sa Comelec para sa mga posibleng solusyon, kabilang na ang content monitoring ng false information. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera