dzme1530.ph

Christmas parties sa mga paaralan, hindi ipinagbabawal —DepEd

Loading

Tinawag ng Department of Education (DepEd) na “fake news” ang kumakalat na social media posts na nagsasabing ipinagbabawal ang Christmas parties sa mga paaralan.

Iginiit ng ahensya na wala pang inilalabas na anunsiyo na naglilimit o nagbabawal sa pagdaraos ng Christmas celebrations ngayong taon.

Hinimok din ng DepEd ang publiko na i-report ang mga social media pages na nagpapakalat ng maling impormasyon at bisitahin lamang ang verified social media accounts at opisyal na website ng DepEd para sa mga update.

About The Author