dzme1530.ph

Christian Gian Karlo Arca, nasungkit ang gintong medalya sa Asian Youth chess meet

Nasungkit ng Filipino teen sensation na si Christian Gian Karlo Arca ang gintong medalya sa Asian Youth Chess Championship na ginanap sa Almaty, Kazakhstan.

Nakuha nito ang title victory sa pamamagitan ng 9th-round win, sa Under-16 Blitz Category, laban kay FM Daniyal Sapenov ng Kazakhstan.

Sa siyam na laro, walong panalo ang nagawa ni Arca habang natalo ito sa fourth round laban kay Asman Bayantas ng Kazakhstan.

Nakatakda namang sumabak si Arca sa Eastern Asia Junior Chess Championship sa July 3 hanggang 11 sa Karawaci-Tangerang, Indonesia.

Susundan din ito ng 8th Eastern Asia Youth Chess Championship sa July 12 hanggang 21 sa Penang Malaysia, na lalahukan din ng manlalaro.

About The Author