dzme1530.ph

Chris Evans, 2 beses pinakasalan si Alba Baptista

Kinumpirma ni Chris Evans na siya ay happily married kay “warrior nun” star Alba Baptista, not once, but twice.

Sa kanyang appearance sa New York Comic Conference, nagsalita ang hollywood actor tungkol sa kanyang marital bliss, isang buwan makaraang maiulat na nagpakasal sila ni Alba sa pamamagitan ng isang private ceremony sa Massachusetts.

Sinabi ni chris na nagpakasal din sila sa portugal dahil Portuguese ang kanyang misis.

Kabilang sa mga naging bisita sa kanilang wedding ceremony sa Boston ay mga Marvel Co-Star ni Chris na sina Robert Downey Jr. at misis nito na si Susan, Jeremy Renner, Chris Hemsworth at asawa nito na si Elsa Pataky, John Krasinski at Emily Blunt.

Ilang araw matapos ang seremonya ay lumipad ang bagong kasal sa Portugal para masaksihan naman ng pamilya ni Alba ang pagpapalitan nila ng “I do.”

About The Author