![]()
Nanawagan ang Commission on Human Rights ng sama-samang at agarang pagkilos laban sa korapsyon, kasunod ng isinagawang national forum noong nakaraang linggo na tumalakay sa ugnayan ng korapsyon at karapatang pantao.
Ayon kay CHR Chairman Richard Palpal-Latoc, pinahihina ng korapsyon ang democratic institutions, binabawasan ang tiwala ng publiko, at direktang nakapipinsala sa mga komunidad na umaasa sa serbisyo ng pamahalaan.
Inilarawan nito ang korapsyon bilang isang direktang pag-atake sa dignidad ng tao at isang seryosong kabiguan sa public service.
Aniya, kapag ang pondong dapat sana’y napupunta sa mga ospital, paaralan, at social protection ay nawawala o nagagamit sa maling paraan, ang pinakamahihirap at pinaka-bulnerableng sektor ng lipunan ang higit na naaapektuhan.
