dzme1530.ph

CHR, nagkasa ng imbestigasyon kaugnay sa umano’y panghaharass ng 2 pulis sa mga reporter sa Leyte

Nagkasa ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rigths (CHR) kaugnay sa umano’y panghaharass ng dalawang pulis sa mga reporter sa Leyte.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR-Regional Office – Eastern Visayas na mahigpit na binabantayan ng ahensya ang pag-usad sa kaso kasabay ng pagsasagawa ng imbestigasyon.

Handa rin ang komisyon na makipag-ugnayan sa lahat ng stakeholders upang matiyak ang seguridad ng media at ang press freedom.

Kinilala ng Leyte Police Provincial Office ang mga nasasangkot na sina Police Staff Sergeant Rhea May Baleos at asawa nitong si Police Staff Sergeant Ver Baleos.

Sa ngayon, tinanggalan na ng tungkulin ang mga nasabing pulis at ni-reassigned sa provincial headquarters habang gumugulong ang naturang imbestigasyon.

Nabatid na nagko-cover ang mga miyembro ng media hinggil sa land dispute sa pagitan ni Moises Empillo at Anecita Nogal nang mangyari ang harassment. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author