dzme1530.ph

CHR, may karapatang magkaroon ng salungat na posisyon sa paninindigan ng executive department

Walang nakikitang problema si Senador Francis ‘Chiz’ Escudero kung salungat ang posisyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa paninindigan ng Department of Justice (DOJ) at ng Malakanyang.

May kinalaman ito sa naging pahayag ng CHR na handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa ipinatupad anti-drug war ng nakalipas na administrasyon.

Sinabi ni Escudero na may kaparatan ang CHR na magkaroon ng hiwalay o salungant na posisyon mula sa ehekutibo.

Ipinaliwanag ng senador na sa ilalim ng 1987 constitution, itinuturing na independent institution ang CHR

Matatandaang una nang nagpasya ang pamahalaan na itigil na ang pakikipag-ugnayan sa ICC dahil wala na itong hurisdiksyon sa bansa makaraang kumalas na sa Rome Statute.

Iginiit ni Escudero na sa oras na magkaroon ng conflict  sa pagitan ng CHR, ehekutibo at DOJ sa  pagkikipagtulungan ng CHR sa ICC, maaaring manghimasok  ang korte upang ito ay resolbahin. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author