Limang beses naispatan ang private chopper ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy na lumilipad sa Davao City, simula May 1 hanggang 14, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP)-Davao.
Sinabi ni CAAP-Davao Air Traffic Control Tower Head, Ramir Pangilinan, na huling nakita sa himpapawid ng Davao City ang chopper noong nakaraang linggo.
Ang ruta nito ay hangar patungong barangay Tamayong, at vice versa.
Nilinaw naman ni Pangilinan na batay sa manifesto sa isinumite sa kanila, hindi kabilang sa mga pasahero ng chopper ang kontrobersyal na pastor.
Dahil walang hold departure order laban kay Quiboloy, inihayag ni Pangilinan na ang magagawa lamang ng CAAP ay bantayan ang mga aktibidad ng chopper.