dzme1530.ph

Cholera outbreak, idineklara sa isang barangay sa Leyte

Idineklara ng lokal na pamahalaan sa Barangay Marvel, Isabel City, Leyte ang cholera outbreak sa isang kumunidad.

Ayon kay Mayor Edgardo Cordeño, simula Marso 26, anim sa labing-walong na-ospital ay nagpositibo sa cholera.

Gayunpaman, kontrolado naman aniya ang sitwasyon dahil mayroon lamang isang pasyente na may sintomas ng cholera mula Abril 8.

Binigyang diin ni Cordeño na nagbigay na ang LGU ng tulong sa mahigit 300 residente, kasama na rito ang mga food pack, tubig, gamot, at bitamina.

Nagsasagawa na rin ng health education ang Rural Health Unit sa mga residente tungkol sa tamang kalinisan at sanitasyon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author