dzme1530.ph

“Cholera catastrophe,” posible dahil sa pagdami ng kaso —UN

Ibinabala ng United Nations na isang bilyong tao sa 43 bansa ang nasa panganib na dala ng cholera.

Inamin ng UN na wala itong mga resources para labanan ang outbreaks at habang tumatagal anila na simulan ang pagpuksa dito ay mas lalala ang sitwasyon at posibleng umabot sa “cholera catastrophe.”

Tiniyak ng UN na naghahanap na sila ng $640-M para labanan ang nakakahawang sakit.

Sa datos, nasa 24 bansa na ang iniulat na cholera outbreaks ngayon taon, kumpara sa 15 noong kalagitnaan ng Mayo noong 2022.

Bagaman maaring gamutin sa pamamagitan ng simpleng oral rehydration, at antibiotic ang cholera, kakulangan naman sa access naturang gamot ang balakid partikular na sa mga liblib na lugar.

Gayunman, binigyang diin ng UN na ang pangkalahatang solusyon ay ang long-term investment sa wastewater infrastructure.

About The Author