Nadagdagan ang bilang ng Chinese vessels na nasa West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng joint military exercise ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ayon sa Philippine Navy, batay sa kanilang monitoring sa nakalipas na buwan, pinakamababa ang 33 habang pinakarami ang 69 na bilang ng iba’t ibang barko ng Tsina sa WPS.
Gayunman, nang magsimula ang Linggo, sinabi ni Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad, na umabot sa kabuuang 124 ang Chinese vessels sa WPS, kabilang ang tatlong ‘People’s Liberation Army Navy’ at sampung China Coast Guard.
Inihayag ni Trinidad na kasabay ng paglulunsad ng Balikatan ay malaki ang nadagdag sa bilang ng Chinese Maritime Militia vessels sa WPS, partkular sa Bajo de Masinloc at Pag-asa Island.