dzme1530.ph

CHINESE EMBASSY, HINDI MAGPAPATINAG SA PAGLABAN SA KANILANG INTERES SA KABILA NG MGA BATIKOS NG MGA MAMBABATAS

Loading

Hindi magpapatinag ang Chinese Embassy at patuloy pa ring isusulong ang kanilang interes sa gitna ng panawagan ng ilang mambabatas na ideklarang persona non grata ang isang opisyal nito.

Una nang inilutang ni Senate President Vicente Tito Sotto III ang ideya na ideklarang persona non grata si Chinese Embassy Deputy Spokesperson Guo Wei dahil sa mga unwelcome remarks laban sa mga mambabatas. 

Sinabi ni Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingpeng na maaari namang mismong si Ambassador Jing Quan na ang ideklarang persona non grata dahil siya ang may responsibilidad sa lahat ng pahayag at aksyon ng embahada. 

Subalit iginiit ng  opisyal na tanging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang may kapangyarihan na magpalayas sa ambassador. 

At kung gagawin anya ang deklarasyon ng persona non grata, dapat isama ang buong 12-member media affairs and public diplomacy team ng China na nasa bansa.

About The Author