Ipinatawag ng Department of Foreign Affairs ang Deputy Ambassador ng China sa bansa upang iprotesta panibagong agresibo at mapanganib na hakbang ng China Coast Guard at Chinese Maritime Militia laban sa Philippine Resupply Mission sa Ayungin Shoal.
Sa isinagawang pulong, kinondena ng DFA ang pangingialam ng China sa regular at ligal na aktibidad ng Pilipinas sa sariling exclusive economic zone (EEZ).
Tinawag din ng kagawaran na “unacceptable” o hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng China.
Isang matapang na diplomatic protest ang ipinaabot ni Deputy Assistant Sec. Raphael Hermoso sa Deputy Chief of Mission ng China na si Zhou Zhiyong.
Sa diplomatic note, ipinag-utos ng DFA na agad lumayas ang lahat ng Chinese vessels sa bisinidad ng Ayungin Shoal.