dzme1530.ph

Chinese Ambassador Huang Xilian, idineklarang persona non grata sa Kalayaan, Palawan

Idineklarang persona non grata sa Kalayaan Palawan si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.  

Sa Resolution no. 125-015 ng Sangguniang Bayan ng Kalayaan, sinabing ito ay matapos ipagtanggol ng Chinese envoy ang paghaharas ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea noong August 5.  

Kinondena rin ito ni SB Member Maurice Philip Alexis Albayda sa kanyang privileged speech.  

Matatandaang binombahan ng tubig ng CCG vessels ang PCG vessels na naghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.  

Nagpadala na ng note verbale sa Chinese Embassy ang Pilipinas ngunit nanindigan ang China na bahagi ng kanilang teritoryo ang Ayungin. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author