dzme1530.ph

China, walang rason para mag-overreact sa joint maritime patrol ng PH, US, Japan, at Australia —White House official

Walang rason ang China para mag-overreact sa Joint Maritime Cooperative Activity na matagumpay na isinagawa ng Pilipinas, America, Japan, at Australia sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni White House National Security Communications Advisor John Kirby, matapos magsagawa ang China ng kasabay na combat patrols sa South China Sea.

Ayon kay Kirby, ang joint maritime patrol ng apat na bansa ay alinsunod sa freedom of navigation at International law, at ito rin ang simpleng patunay na ang America at kanilang mga kaalyado ay malayang makapaglalayag at makapag-ooperate saanmang lugar tulad ng South China Sea.

Kaugnay dito, sinabi ng White House official na mas marami pa ang inaasahang maritime patrols ng Pilipinas at America sa Philippine waters.

Tiniyak naman ni Kirby na mahigpit na nakatutok ang US Gov’t sa tensyon sa WPS, kasabay ng muling paghimok sa China na sumunod sa 2016 arbitral ruling.

 

About The Author