dzme1530.ph

China, walang patunay sa ‘gentleman’s agreement’ kaugnay ng WPS —Sec. Año

Walang umiiral na “gentleman’s agreement” sa pagitan ng China at ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay ng West Philippine Sea (WPS).

Sa ambush interview sa Malacañang, inihayag ni National Security Adviser Eduardo Año na palaging binabanggit ng China ang “gentleman’s agreement” ngunit wala naman itong maipakitang anumang dokumento o sinumang magpapatunay nito.

Kasabay nito’y tiniyak naman ni Año na patuloy na ipagtatanggol at itataguyod ang maritime rights sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Si Año ay nagsilbing kalihim ng Department of the Interior and Local Government ng administrasyong Duterte.

Mababatid na ipinalutang ni former Presidential Spokesman Harry Roque na may “gentleman’s agreement” si Duterte at China para sa pagpapanatili ng status quo sa WPS.

About The Author