dzme1530.ph

China, pinalala ang tensyon sa polisiya ng pag-aresto sa trespassers sa South China Sea

Inihayag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinalala ng China ang tensyon sa rehiyon, sa pamamagitan ng bago nitong polisiya sa pag-aresto at pag-detain sa mga dayuhang trespasser sa South China Sea.

Sa media interview sa Brunei, sinabi ng pangulo na nakababahala at hindi katanggap-tanggap ang polisiya ng China.

Mababatid na inanunsyo ng China ang planong pag-detain ng hanggang 60 araw nang walang paglilitis, sa mga dayuhang mahuhuling tumatawid nang walang pahintulot sa South China Sea.

Ito ay sa harap ng lumalalang sigalot sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Una nang umalma ang Dep’t of Foreign affairs at sinabing ito ay ilegal at uri ng paglabag sa international law.

About The Author