dzme1530.ph

China, pinag-iingat ang kanilang mga mamamayan sa unstable public security at harassment sa mga Tsino sa Pilipinas

Loading

Pinag-iingat ng China ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas, sa gitna ng tinawag nilang “unstable public security situation” at umano’y madalas na harassment sa mga Tsino at negosyo.

Sa Advisory na naka-post sa website ng Chinese Embassy sa Maynila, pinayuhan ang mga Chinese citizen sa bansa na doblehin ang kanilang safety awareness at emergency preparedness, huwag lumabas kung hindi naman kailangan at umiwas sa mga pinagdausan ng rally o matataong lugar.

Dapat din umanong manatiling alerto ang mga Tsino laban sa potential security traps at schemes.

Pinayuhan din ang mga nagbabalak na bumiyahe patungong Pilipinas na magkaroon ng masusing risk assessment at pag-isipang ng mabuti ang kanilang travel plans.

About The Author