Niradyohan ng pwersa ng China ang cargo aircraft ng Philippine Air Force na patungong Pag-asa Island.
Lulan ng PAF C-130 Hercules ang mga opisyal ng AFP at ilang miyembro ng media para magsagawa ng inspeksyon sa nabanggit na isla.
Layunin ng AFP na ipakita ang mga bagong istruktura at kasalukuyang sitwasyon ng Pag-asa island at iba pang military outposts sa Kalayaan Island Group.
Sakay din ng eroplano ang ilang residente at elementary school teachers.
Gayunman, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Padilla na bago lumapag ang cargo aircraft ay narinig ang radio challenge ng China na sinagot ng piloto at iginiit ang sovereign rights ng Pilipinas.